Bakit nga ba sa sariling wika tila ay diring-
diri?
Sa pagbigkas ng dila'y, banyaga ang
maririnig Tila ay tinatalikuran ang wika ng
pagkadiwa
sa lugar mismo, kung san sya nagmula
Ang mga bata na walang kamuwang-
muwang,
binabago ang dila ng sarili pa mismong
magulang
Inihahalintulad man ito bilang wika ng
mahihirap,
Walang salamin, ito ay tunay, makata, at
walang pagpapanggap
Kailan mo huling kinilala ng lugod ang
sariling lenggwahe?
O puro ka lang Ingles at "Oppa,
saranghae!"
"Ako ay Pilipino.."
Kanang kamay ay
nakataas sa pagsumpa mo,
Kasabay sa paglamon ng banyagang wika
sayo
Sa tahanang kinagisnan, salita ay wag
talikuran
Wikang Filipino ang obrang nagbibigkis sa
buwan
Kaya't tumingin ng mataas at ipagbunyi
mo
Yakapin, mahalin, alagaan, at patatagin
Sapagkat ito ay dala-dala ng mga kabig
na lumaban para sa atin.
Please give a detailed explanation about the meaning and main idea of this poem.:
This poem talks about Filipino people who worship other languages than their own to the point where the parents want their children to be more fluent in English than Filipino. Even labelling the language as "salita ng mahirap".
Please explain your writing and thought process regarding this poem.:
This is just based on mere observation.
Why did you choose to write this poem?:
I wrote this for August month.
Comments